Matalinong Tanga

Isang tangang napadpad sa karagatan ng matatalino. Isang Marianong hindi alam ang kahuluhan ng TANGA at MATALINO. Kung ano ang kaibahan ng dalawang salita. Padeep na hindi mawari. Halika kaibigan, kapit bisig, tayo'y aalis at dadako sa kariktan.

“Ang pagtangkilik o pag-gusto sa ayaw mo ay parang pagkiliti sa sarili mo; di ka na nga masaya, mukha ka pang tanga.”

-MT.

“Ingay ng tropa, palaman sa utak.”

Matalik na kaibigan.

Bakasyon noon. Nagbuburo sa loob ng bahay. Nakatunganga sa kawalan. Walang malay sa labas ng tahanan. Nakikipaghalhakan kasama ang mga demonyo sa aking isipan. Magulo ang buhok. Magulo ang kwarto. Walang hawak na librong pampaakit ng ulo. Hindi gumagana ang utak na palyado. Bakasyon. Walang baon. Walang pera. Walang gala. Walang kaklaseng maiingay. Walang gurong mala-makina. 

Pansamantalang naglaho ang lahat ng kasanayan sa araw-araw. Pero hindi ang iyong matalik na kaibigan. Laging nariyan sa t’wing ika’y nababagot na. Laging nariyan sa iyong tabi at hinding-hindi ka iiwan kahit na anong mangyari.

Masaya at masarap sa pakiramdam kapag alam mong mayroong isang taong magtiya-tiyaga sa iyo at sumasabay sa kagaguhan mo.


Sa sobrang komplikado ng buhay at pag-iisip mo, isang simpleng salita na kayang intindihin ng bobo’t mangmang e hinahanapan mo pa ng scientific explanation. Parang gago lang.

Hawak mo ang mga kamay ko habang tayo’y naglalakad. Nahuhuli kitang pasimpleng sumusulyap at bahagyang ngumingiti. Aywan ko kung tinatawanan mo ako o ano, basta ang alam ko’y kinikilig ako. Animo’y tinutunaw ang ng mga titig mo. Nalulunod sa sobrang galak ang puso ko kapag naririnig ko ang bawat paghagikgik mo. Kay sarap pagmasdan ng mga labi mong animo’y kinuyom na rosas, nakakagigil. Parang isang palaisipan kung masarap ka bang hagkan.

Teka— bakit? Ano ito? Bakit tayo naririto sa isang madilim na kuwarto? Isang kwartong napapanglawan ng isang maliit na lampara.. pilit kong inaalala kung paanong napunta ako, ikaw, rito. Ngunit wala talaga akong maalala. Ako’y nabigla ng hagkan mo ang aking palad— mula palad paitaas. Animo’y kinukuryente ako. Kay hirap makasagap ng hangin. At nang sakupin mo ang aking labi, nawala na ang lahat ng aking inhibisyon. Animo’y nabura ang lahat ng pag-aalinlangan. Wari ko’y nakatuntong na sa alapaap ang aking mga paa.

Sa una’y napakabanayad ng bawat halik mo, parang nananantya. Ngunit ng mga sumunod na sandali’y nakikipag-tagisan na ang dila natin sa isa’t-isa. Nahigit ko ang aking hininga ng madama kong ipinasok mo ang iyong mga kamay sa aking blusa. Unti-unting nilukob ng palad mo ang kanan kong dibdib. Ahh. Ngunit parang may kulang pa.. parang may nawawala pa.. 

Nakakalango. Nakakatupok. Parang pinapaso ang bawat madaanan ng kamay mo. Naipulupot ko na lamang ang mga bisig ko sa batok mo dahil hindi ko na kaya pang tumayo. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Pilit kong ginagantihan ang intensidad ng mga halik mo. Unti-unti mong iniwan ang labi ko— para lamang lasahan ang aking leeg. Sa bawat pagsimsim mo sa aking balat ay waring nais mong magmarka iyon bilang iyo— bilang teritoryo mo. Parang mawawalan na ako ng ulirat sa tindi ng sensasyong idinudulot mo sa bawat himay ng kalamnan ko. Hindi ko napigilang mapaungol nang malakas nang madama ko ang labi mo’t unti-unting sinisimsim ang templo ng aking hinaharap.At nang iapasok mo ang—


Bigla akong napabalikwas ng bangon. Teka— puta, panaginip na naman pala!

Sumasabay sa pagbagsak ng ekonomiya ng bansa ang Tumblr.

Kung patuloy mong papansinin ang kamalian sa kapaligiran mo, hindi magiging mapayapa at malaya ang kalooban mo mula sa hawla ng kapaitan. Sa madaling salita, hindi ka magiging maligaya.

“Ang ituon ang pansin mo sa isang bagay na ayaw mo naman talaga ay parang pagkiliti sa sarili mo— Hindi ka na nga masaya, mukha ka pang tanga.”

-MT.

"You're alive namiss ko yung posts mo"

Asked by Anonymous

Salamas. Namiss ko din mag-post. Mehehehe. Magandang gabi sa iyo :)

Hello.

Kamusta?

Reblogged from bayan-ni-juan

(Source: binatanghero)

“Sa dami ng nagawa mong kabutihan, magkamali ka lang ng isa, babatikusin kana ng lahat at babalewalain na ang lahat ng naging bunga ng iyong pagmamagandang-loob.”

- MT.